Wednesday, November 2, 2011

Undas:Ano nga ba ang Tunay na Kahulugan?

 
Marami sa atin ay maraming plano para sa darating na Undas. May mga pamilyang uuwi ng probinsya upang dalawin ang kanilang mahal sa buhay na namaalam na.May iba naman na magpupunta ng “resort” upang magbakasyon. At para naman sa mga taong walang pera ay siguro ay mananatili na lang sa kani-kanilang bahay.Ngunit ano nga ba ang tunay na kahulugan ng undas? Ang undas,para sa akin, ay araw ng mga taong nilisan na ang mundong ibabaw.Ito ang araw kung saan ay inaalala natin ang mga taong minsan nabuhay sa mundong ito. Ito rin ay araw kung saan natin sila pinagdarasal upang tanggapin na sila sa langit.
Ang Undas ay araw ng mga taong namaalam na at ito ay hindi natin araw. Ilaan sana natin ang araw na ito sa pagdarasal at pagninilay. Alalahanin sana natin sila sa araw na ito.

No comments: