Kanina sa paaralan, pinatawag ako para sa isang pagpupulong ng aming punongguro patungkol sa darating na STEP Competition sa Biyernes. At habang kami'y nagpupulong nakita ko ang bagong pahayagang Freeman sa ibabaw na mesa at ito'y aking binasa. Sa aking pagsusuri kung ano ang una kong babasahin sa talaan ng pahayagan ay umagaw ng aking pansin ang artikulong pamagat, "Kung si Rizal ay naging blogger." Sumagit sa isipan ko, oo nga no! Ano kaya ang ibloblog ni Rizal kung siya ay nabubuhay pa?
Ito naman ang sa akin lang....
At marahil, iblog din niya ang kanyang karanasan sa pag-ibig at ang kanyang mga tulang inihahandog niya para sa kanyang pinakaiibig na Leonora at kung sino pang nairog niya noon. Ang kanyang karanasan sa pag-aaral at kung paano pinagmamalupitan ng mga Espanyol ang mga estudyanting Filipino at paano yinuyurakan ng mga Prayle ang karangalan at kasaysayan ng ating mga kalahi. Ang karanasan niya sa ibang bansa kung paano siya nagdurusa, nagutom at nangulila nang lubos sa kanyang pamilya, At marahil iblog din niya ang tungkol sa mga sinulat niyang mga nobela.
At higit sa lahat, iblog din niya ang mga huling sandali ng kanyang buhay bago siya barilin sa Luneta.
No comments:
Post a Comment