Monday, April 20, 2009

Gusto Kong Gumala Pero Walang Pera

Pupunta ako ng Manila ngayong darating na April 25, kasi dadalo ng isang GetTogether ng Netbooks.PH. Meron na nga akong ticket reservation from Cebu Pacific at pabalik ng Cebu April 27. Pero gusto ko pang gumala sa Manila at sa Subic. Gusto ko sanang puntahan ang Manila Ocean Park at Mall of Asia. Dadalawin ko din ang mga kapatid at pamangkin ko sa Subic.

Kaya lang parang kulang pera ko sa panggala. Grabe hirap ng panahon ngayon, ang dali maubos ang pera dahil sa mahal ng mga bilihin ngayon. Pupunta ako ng Gapo para mabigyan nman ako ng pera ng Ate Carol ko kasi mayaman naman yon kasi negosyante. Ang tanong bigyan kaya niya ako ng sapat na halaga?

Pupunta nga pala ako ng Boracay at bayad na ako sa accomodation at fare ko. Ang problima ko talaga yong pocket money ko. Gusto ko talagang makapunta ng Boracay. Kaya nga kahit mahirap ang buhay nagagawan ko ng paraan naman. hehehe! Gusto ko makita ng mga artista don...
Gagala talaga ako iikutin ko ang buong boracay at aakyatin ko ang tutok bundok don.

Malapit na rin ang pasukan...putcha! Enrollment na naman ng anak ko. Ang daming kailangan bilhin sa pasukan...mga libro, uniform at mga gamit sa eskwela. Haiiizzzz!!!!! Walang na ngang natitira sa sweldo ko dahil sa lintik na tuition ng anak ko. Sa private school kasi nag-aaral ang mahal ng tuition. Gusto ko sana transfer sa public school kaya lang ayaw ng hubby ko. Bahala na daw nagdildil kami ng asin basta nasa mabuting school lang anak namin. hehehe!

Makagala pa kaya ako nito?

No comments: