Thursday, November 3, 2011

Kung si Rizal ay Naging Blogger...

 
Kanina sa paaralan, pinatawag ako para sa isang pagpupulong ng aming punongguro patungkol sa darating na STEP Competition sa Biyernes. At habang kami'y nagpupulong nakita ko ang bagong pahayagang Freeman sa ibabaw na mesa at ito'y aking binasa. Sa aking pagsusuri kung ano ang una kong babasahin sa talaan ng pahayagan ay umagaw ng aking pansin ang artikulong pamagat, "Kung si Rizal ay naging blogger." Sumagit sa isipan ko, oo nga no! Ano kaya ang ibloblog ni Rizal kung siya ay nabubuhay pa?

Ito naman ang sa akin lang....

Kung si Rizal ay naging blogger marahil isinulat niya ang tungkol ang kanyang mapagmahal na pamilya, musmus niyang karanasan at lalong lalo na paano siya tinuruan magbasa, magsulat, magdasal, gumawa ng tula at kung paano kagaling magkwento ang kanyang pinakamamahal na Ina na si Donya Teodora. Ang kanyang ina na maalam sa panitikan at mahusay mag-Espanyol at Latin. Sa murang edad ay natutunan niyang sumulat ng kwento at tula patungkol sa pagmamahal sa Inang Bayan.

At marahil, iblog din niya ang kanyang karanasan sa pag-ibig at ang kanyang mga tulang inihahandog niya para sa kanyang pinakaiibig na Leonora at kung sino pang nairog niya noon. Ang kanyang karanasan sa pag-aaral at kung paano pinagmamalupitan ng mga Espanyol ang mga estudyanting Filipino at paano yinuyurakan ng mga Prayle ang karangalan at kasaysayan ng ating mga kalahi. Ang karanasan niya sa ibang bansa kung paano siya nagdurusa, nagutom at nangulila nang lubos sa kanyang pamilya, At marahil iblog din niya ang tungkol sa mga sinulat niyang mga nobela.

At higit sa lahat, iblog din niya ang mga huling sandali ng kanyang buhay bago siya barilin sa Luneta.

Wednesday, November 2, 2011

Undas:Ano nga ba ang Tunay na Kahulugan?

 
Marami sa atin ay maraming plano para sa darating na Undas. May mga pamilyang uuwi ng probinsya upang dalawin ang kanilang mahal sa buhay na namaalam na.May iba naman na magpupunta ng “resort” upang magbakasyon. At para naman sa mga taong walang pera ay siguro ay mananatili na lang sa kani-kanilang bahay.Ngunit ano nga ba ang tunay na kahulugan ng undas? Ang undas,para sa akin, ay araw ng mga taong nilisan na ang mundong ibabaw.Ito ang araw kung saan ay inaalala natin ang mga taong minsan nabuhay sa mundong ito. Ito rin ay araw kung saan natin sila pinagdarasal upang tanggapin na sila sa langit.
Ang Undas ay araw ng mga taong namaalam na at ito ay hindi natin araw. Ilaan sana natin ang araw na ito sa pagdarasal at pagninilay. Alalahanin sana natin sila sa araw na ito.