Monday, October 31, 2011

INSET 2011

INSET 2011
View more presentations from LUZ PINGOL

INSET naman! Semestral Break, dapat din kasi nagbabakasyon din kami kagaya ng aming mga estudyante. Pero ang ginagawa ng mga pampublikong titser ay nag-seseminar sa panahon ng Sem Break. Walang ba silang (DepED) pakiramdam? Ang kalabaw nga dapat nagpapahinga pagkatapos ng matinding trabaho sa bukid dapat ganon din kaming mga titser. Pero wala tayong magagawa DepED order daw dapat maglahad daw kami ng seminar sa aming Distrito. 

Dalawang linggo ang lumipas at tinanong ako ng aking punongguro kung anong topic ang mashare ko sa darating na INSET. Natutula ako kasi di ko pa alam anong topic ang ilalahad ko sa araw na to. Kaya unang sinabi ko "Pagtuturo sa Filipino Gamit ang ICT", kaya lang naghalungkat muna ako ng mga powerpoint ko sa mga nakaraang seminar ko sa Filipino at nakita ko ang topic na "Ang Inobatibang Pagtuturo Gamit ang mga Multimedia/ICT" kaya ito na ang napili kong ilahad sa araw ng INSET. 
Salamat naman sa Diyos sa kanyang gabay at nalampasan ko ang araw na yon...

No comments: