Ang tagal ko na palang di nakapagblog dito. Grabe ang dami na ng nangyari sa aking buhay mula noong huli kong blog dito. Mula sa pagiging ordinaryong guro at unti-unting nahubog ang aking kaalaman, husay at talino sa larangan ng ICT at Filipino. At ngayon ay nag-aaral na ako sa University ng Cebu na kumukuha ng Master of Science in Technology, major in Computer Science. Parang ang dami ng nabago sa buhay ko at karera.
Ang buwan ng octobre na ito ay naging isang napakaabala para akin. Nakasali ako sa "Liham kay Rizal, Aking Bayani" at ito ay nasa ikatlong panalo Division Level. Bilang tagasanay at sumulat ng liham ay naging napahalaga ito sa akin na manalo sa patimpalak. Ngayong linggo ay 21st Cebu City Olympics Oct. 17-19 at nanalo ang girls double ko ng second place at nakauwi kami ng Silver Medals. Kahit anong abala ko sa trabaho at nakuha pa rin ng mga batang magpraktis na sila sila lang sa korte. Minsan nga ay nagiguilty ako sa di ko pagpansin sa kanilang praktis. Pero alam ko naman naiintindihan nila ang aking kalagayan.
Dahil sa tindi ng aking kasiyahan sa naging panalo namin ay naisulat ko ito sa aking Facebook. Bagkus sa aking kasiyahan ay ang mga bumati lang ay ang aking madam at kaklase sa masteral. Di ko lubos akalain na di ito pinansin ng aking mga kasamahan sa trabaho. Di man lang ako nila binati sa aking natamong panalo at karangalan aking dinala sa aming paaralan. Siguro ay naiingit sila sa akin. Ewan......Di ko alam.....haizz...
Excited na ako sa sem break kc walang pasok sa skol kaya lang, mayron kaming INSET at isa na naman ako sa facilitator. Kaya, kailangan kong magresearch at mag-aral.
Abala na naman sigurado...ehehehe
No comments:
Post a Comment