Tuesday, August 4, 2009

Salamat President Cory Aquino







August 1, 2009 ng ako nagising at binuksan ko ang TV at narinig at nalaman ko sa balita, na ang pinakamamahal nating dating Presidente na si Cory Aquino ay tuluyan nang namaalam sa kanyang pakikipaglaban sa sakit na colon cancer. Parang dinudurog ang puso nang sa mga oras na yon na siya'y wala na talaga.

Bakit kaya ang mga mabubuting tao ay madaling mawala sa mundo? Bakit di na lang ang mga masasamang tao ang namamatay sa mundong ito? Ang Panginoon lang ang makasasagot sa mga tanong na ito. Siguro nga mahal siya ng Diyos kaya kailangan na siyang kunin kasi nga tapos na niyang gawin ang kanyang misyon dito sa ating bansa.

Ngayon, August 5, 2009 walang pasok kasi ito'y araw sa paghatid ng kanyang labi sa huling hatungan. Ang mga tao sa buong bansa na nasa bahay ay nakatutok sa mga kasalukuyang nagaganap. At ang mga tao sa Manila ay nag-aabang sa labas ng mga kalsada kung saan idaan ang kanyang mga labi para lang ito'y nasilayan sa huling sandali. Siguro nga, kung nasa Manila lang ako ganun din ang gagawin ko. Ipapakita ko ang aking pag respito at pagbigay ng pugay sa dating pangulo.

Habang sinusulat ko ang blog na ito ay nagsasalita na si Kris Aquino (bunsong anak ni Cory) at ako'y naiiyak sa kanyang mga sinasabi tungkol sa kanyang pinakamamahal niyang Ina. Naaantig ang aking damdamin sa kanyang mga sinasabi. Mahirap talagang tanggapin ang pagkawala ng ating mahal sa buhay.

Paalam kita Cory Aquino! Isa kang malaking kawalan sa buong bansa. Gayonman, di ka naming malilimutan at ikaw'y mananatili sa aming mga puso magkailanman.

Mahal na mahal ka namin! Paalam!

No comments: