Monday, October 31, 2011

Computer Enchancement & Skills Training (CEST)

 Me as resource speaker talking about Open Office in Writer application.
my certificate of speakership. R-Mam Vanessa Harayo and my left my dear friend Sir Marco.

An 8 dyas seminar about Computer Enchancement and Skills Training (CEST) for Computer Core Curriculum Writers and selected School ICT Coordinators. Held at Cebu City Division, Sept. 20-29, 2011.
I would like to give extend my deepest thanks and gratitude to Ma'am Harayo for giving me this opportunity as a resource speaker on this seminar. Its my honor and previledge to serve the Cebu City Division.

INSET 2011

INSET 2011
View more presentations from LUZ PINGOL

INSET naman! Semestral Break, dapat din kasi nagbabakasyon din kami kagaya ng aming mga estudyante. Pero ang ginagawa ng mga pampublikong titser ay nag-seseminar sa panahon ng Sem Break. Walang ba silang (DepED) pakiramdam? Ang kalabaw nga dapat nagpapahinga pagkatapos ng matinding trabaho sa bukid dapat ganon din kaming mga titser. Pero wala tayong magagawa DepED order daw dapat maglahad daw kami ng seminar sa aming Distrito. 

Dalawang linggo ang lumipas at tinanong ako ng aking punongguro kung anong topic ang mashare ko sa darating na INSET. Natutula ako kasi di ko pa alam anong topic ang ilalahad ko sa araw na to. Kaya unang sinabi ko "Pagtuturo sa Filipino Gamit ang ICT", kaya lang naghalungkat muna ako ng mga powerpoint ko sa mga nakaraang seminar ko sa Filipino at nakita ko ang topic na "Ang Inobatibang Pagtuturo Gamit ang mga Multimedia/ICT" kaya ito na ang napili kong ilahad sa araw ng INSET. 
Salamat naman sa Diyos sa kanyang gabay at nalampasan ko ang araw na yon...

Friday, October 21, 2011

Rizal Aking Bayani

 
Sa pag-alala sa ika 150 na kaarawan ni Dr. Jose Rizal sa darating na Disyembre ngayong taon. Ang Rizal komite at Kagaran ng Edukasyon ay naghanda  ng mga iba't ibang patimpalak para bigyan ng parangal ang ating bayaning si Dr. JoseRizal. Sa elementarya ay patimpalak ng orasyon para sa Makabayan at patimpalak sa pagsulat ng Liham kay Rizal para sa Filipino. Ang una kong ginawa ay nagkaroon kami ng paaralang patimpalak. Pumili ako ng bata na magaling para sumulat at siya ang naging kontesta ko na lalahok sa patimpalak sa dibisyon. Gumawa ang bata ng liham at bilang kanyang tagasanay ito'y lalo ko pang pinaganda. ^-^

Ito ang pinili kong katanugang:

Politikal : Isang mahirap na bansa ang Pilipnas, matutuwa kaya o malulungkot si Rizal sakaling makita niya ito ngayon? Anong payo hinggil sa bayan ang maimumungkahi mo sa kaniya upang mapabuti ang kasalukuyan nitong kalagayan?